HomeAboutBishopclergynews
DIRECTORY
ParishesSchoolSeminaries
Parish News

37th Anniversary of the Canonical Erection of Most Holy Name of Jesus Parish

Honey Joy Magwali

SAN PEDRO, LAGUNA | GInanap ang ika-37 taong pagkakatatag ng Most Holy Name of Jesus Parish noong Oktubre 10, 2024 at nagsimula ang pagdiriwang sa isang motorcade na dinaluhan ng sambayanan at lingkod ng bawat kapilya bitbit ang Imahe ng kanilang Patron. Sa kalagitnaan ng motorcade ay muling sinimulan ang Dalaw Titular na kung saan ang imahe ng Kabanal-banalang Ngalan ni Hesus ay iikot sa labindalawang kapilya na nasasakupan ng Parokya. Ito ay magpapatuloy hanggang sa araw ng Kapistahan.

‍

Kasama si Reb. P. Ritchie Fortus, ang Parish Administrator, ang imahe ng Mahal na Sto. Niño ay iniikot sa nasasakupan ng parokya.

Sinundan naman ito ng isang Banal na Misa na pinangunahan ni Reb. Pdr. Ritchie Fortus, ang Parish Administrator, at dinaluhan din ni Congresswoman Ruth Hernandez. Natapos ang pagdiriwang sa isang maliit na salo-salo na pinagtulungan ng bawat Mini-PPC, Organizations, at Ministries ng Parokya. 

Sa ating paglilingkod, nawa palagi nating itanong sa ating mga sarili, tulad ng tanong ni Fr. Ritchie sa kanyang homiliya, "Paano tayo magiging bahagi ng pagbabago at paglago ng ating Parokya tungo sa kabalanan? 

Happy 37th Anniversary MHNOJP! 

𝑽𝒊𝒗𝒂 𝒆𝒍 𝑵𝒐𝒎𝒃𝒓𝒆 𝒅𝒆 𝑱𝒆𝒔𝒖𝒔! 

‍

Recent Post

SOLEMN DECLARATION OF MAJAYJAY BASILICA SET ON MAY 3

Diocesan News

SAN PABLO CATHEDRAL BLESSES & COMMISSIONS NEW PIPE ORGAN

Diocesan News

APAT NA BAGONG DIYAKONO, INORDENAHAN

Paskuhan at Kapistahan ng Epipanya, Ipinagdiwang sa Mabitac

Parish News

OBISPO JUNIE, PINANGUNAHAN ANG PAGBUBUKAS NG HUBILEYO NG PAG-ASA

Diocesan News

Bishop's Residence, Liceo de San Pablo Compound, Marcos Paulino St., San Pablo City 4000 Laguna

Tel.: (049) 562 4250
Email: residencia_rcbsp@yahoo.com
Copyright 2024 © Roman Catholic Diocese of San Pablo. All Rights Reserved.