Dalawang makasaysayang araw ang ipinagdiwang saParokya ng Mahal na Birhen ng Pilar ng Alaminos nitong mga buwan ng Enero atPebrero. Una, ay ang pagbabasbas at pagtatalaga ng mga bagong kampana ngParokya na ipinagdiwang noong nakaraang ika-21 ng Enero 2024 at sinundan namanng pagunita sa ika-anim na anibersaryo ng pagkakabalik ng nawalang imahen ngMahal na Birhen ng Pilar o mas kilala sa “Fiestang Pagbabalik” noong ika-25 ngPebrero 2024.
Kasabay ng pagdiriwang ng DakilangKapistahan ng Panginoong Hesus ang Banal na Sanggol noong ika-21 ng Enero 2024,ginanap ang Pagbabasbas at Pagtatalaga ng mga bagong kampana, sa pangunguna ng ApostolicAdministrator ng Diyosesis ng San Pablo ang Lub. Kgg. Obispo Mylo Hubert D.Vergara D.D. Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Santa Misa nadinaluhan ng mga mananampalataya mula sa bayan ng Alaminos at mga karatingbayan. Sa loob ng pagdiriwang ng Santa Misa isinagawa ang pagbabasbas ng mgabagong kampana sa pamamagitan ng pagbasa ng Acta na pinangunahan ni Rev. Fr.Park Ebones. Nilalaman ng Acta na ito ang pagtatalaga ng bawat kampana kungsaan ang unang kampana ay nakatalaga sa karangalang ng Mahal na Birhen ngPilar, ang ikalawang kampana naman ay nakatalaga kay Poong San Jose, at angikatlong kampana naman ay nakatalaga sa Patriarkang si San Joaquin na siyangunang patron ng bayan ng Alaminos. Pagkatapos ay sinundan ito ng rito ngpagbabasbas sa mga kamapana na pinangunahan ng Lubhang Kagalanggalang ObispoMylo Hubert D. Vergara D.D., kasama ang kura-paroko, Rev. Msgr. James A.Contreras at kanyang mga kasamang pari.
Noongika-25 naman ng Pebrero ay ginanap ang “Fiestang Pagbabalik,” ang ika-anim nataong anibersaryo ng pagkakabalik ng nawalang imahen ng Mahal na Birhen ngPilar sa Alaminos. Ito ay dinaluhan ng maraming mga deboto ng Mahal na Birhen omas kilala sa tawag na “pilarista”. Nagsimula ang pagdiriwang sa isangprusisyon na kinatampukan ng pagpaparangal sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ngpagbibigay kahulugan sa salitang “AVE” at pag-awit sa mga estasyong inihanda sarutang dinaanan ng prusisyon, sinundan ito ng pagsayaw at pag-awit ng Karakol,ang maringal na pagpapatunog ng mga bagong kampana at ang pagdiriwang ng Banalna Misa. Sa loob ng misa ay ginanap din ang taunang pagpapanibago ng pangako sapaglilingkod ng lahat ng mga manggagawa sa Parokya. Nagtapos ang pagdiriwang saisang maiksing programa kung saan muling naghandog ng awit at sayaw sa Mahal naBirhen ang mga piling mangagawa ng Parokya at kaunting salu-salu.
Tunayna sa pamamagitan ng mga pagdiriwang na ito ay madarama ang masidhingpananampalataya sa bayan ng Alaminos at isa itong patunay na ang Parokya ngMahal na Birhen ng Pilar ay isang #BuhaynaSimbahan.