HomeAboutBishopclergynews
DIRECTORY
ParishesSchoolSeminaries
Parish News

Bagong Parish Hall, Binasbasan sa Parokya ng Suba, Majayjay

Ralph Joshua Noriel

SUBA, MAJAYJAY | Makalipas ang ilang buwan magmula nang sinimulan ni Rev. Fr. Atty. Manuel Manggao at ng mga parokyano ng Nuestra Señora Del Pilar ang pagbuo sa bagong Parish Office at Parish Hall ay sa wakas sa mismong kapistahan ng Mahal na Birheng Del Pilar, Oktubre 12, ay opisyal na itong binuksan sa publiko. 

‍

Photo: Chenzo Matienzo Photography

‍

Sa pangunguna ni Msgr. Jerry Bitoon kaisa rin ang iba pang kaparian na dumalo sa blessing at kapistahan ng parokya ay nabasbasan na ang bagong parish building. Matapos ng blessing ay agad din namang tumuloy sa banal na misa na siya namang pinangunahan ni Bishop Emeritus Leo M. Drona S.D.B at ni Rev. Fr. Paul Bugay. 

Lubos din ang pasasalamat ng mga parokyano ng Nuestra Señora Del Pilar sa Brgy. Suba Majayjay, Laguna sa lahat ng tumulong,sumuporta at nanalangin upang maging matagumpay ang pagbubuo ng Parish Building gayundin ang pasasalamat ng pamunuan ng Parokya sa Samahang Pilares 2024 sa pangunguna ng pamilya Consunto na matagumpay na nairaos ang kapistahan ng Mahal na Birheng Del Pilar. 

‍

Recent Post

SOLEMN DECLARATION OF MAJAYJAY BASILICA SET ON MAY 3

Diocesan News

SAN PABLO CATHEDRAL BLESSES & COMMISSIONS NEW PIPE ORGAN

Diocesan News

APAT NA BAGONG DIYAKONO, INORDENAHAN

Paskuhan at Kapistahan ng Epipanya, Ipinagdiwang sa Mabitac

Parish News

OBISPO JUNIE, PINANGUNAHAN ANG PAGBUBUKAS NG HUBILEYO NG PAG-ASA

Diocesan News

Bishop's Residence, Liceo de San Pablo Compound, Marcos Paulino St., San Pablo City 4000 Laguna

Tel.: (049) 562 4250
Email: residencia_rcbsp@yahoo.com
Copyright 2024 © Roman Catholic Diocese of San Pablo. All Rights Reserved.