Ginanap ang pagdiriwang ng World Day for Consecrated Life noong Pebrero 2 sa pamamagitan ng pagtitipon ng iba’t-ibang kinatawan ng mga relihiyoso sa diyosesis sa loob ng Bishop’s Residence sa Lungsod ng San Pablo. Ang nasabing pagdiriwang ay isinaayos ng Association of the Religious in Laguna (ARELA), and samahan na katulong ng diyosesis sa pakikipag-ugnay sa mga kongregasyon sa Laguna. Ang kanilang tema para sa taong ito ay “Salubong at Salubungan para sa Pasalubong.” Nagsimula ang pagdiriwang sa parada ng mga kinatawan ng higit-kumulang 20 kongregasyon taglay ang kani-kanilang banner. Sinundan ito ng Banal na Misa na pinamunuan ni Reb. Mons. Jerry Bitoon, Rektor ng Katedral, tanghalian na inihanda ng ARELA, at ang pagpupulong.
Nagkaroon din ng halalan ng mga bagong mamumuno sa ARELA para sa darating na taon:
President: FR. REYMAR DIAREZ, MF
Vice President: SR. BERNADETTE MORALES, LIHM
Secretary: SR. NATALIE MONTECER, MOLF
Treasurer: SR. MALOU CATEDRAL, CM
District 1 Coordinator: SR. EDNA FULGUERAS, OP
District 2 Coordinator: SR. ORSOLINA ALONZO, FSL
District 3 Coordinator: FR. CEZAR JAMES GRIMALDO, MF
Ayon sa datos ng diyosesis, mayroong 15 religious congregations for men, 38 religious congregations for women, at 3 secular institutes sa lalawigan ng Laguna. Karamihan sa mga ito ay namamahala sa mga eskwelahan, seminaryo, retreat houses, at institution tulad ng bahay-ampunan.