[CALAMBA, LAGUNA] Pormal ng pinasinayaan ngayong Linggo, Oktubre 6, 2024, ang Marian Exhibit sa San Agustin Parish, Brgy. Parian sa siyudad ng Calamba na may temang "Inang Kapahampahaman". Ang pagbubukas ng nasabing exhibit ay pinangunahan ni Rdo. P. Clifford M. Miras, ang Kura Paroko ng Parokya.
Tampok sa exhibit ang mga iba't ibang imahe ng titulo ng Mahal na Birheng Maria kagaya ng Replica ng Our Lady of La Naval de Manila na nasa pagmamay-ari ni Konsehal Zhen Sherwin ng Cabuyao, Laguna, ang imahe ng mapaghimalang Our Lady of Peñafrancia, ang Reyna ng Ilocandia, Apo Caridad ng Bantay. Ang Patrona ng Lawa ng Laguna, Nuestra Señora delos Dolores de Turumba at ang Virgen Festejada ang Nuestra Señora de Angeles na nasa pangangalaga ni Aldrin Reyes at Ronnie Señerez at marami pang iba.
Ang exhibit ay magtatagal hanggang ika-19 ng Oktubre. Bukas ang exhibit mula Lunes hanggang Linggo mula ika-7 ng umaga hanggang ika-11 ng tanghali at mula ika-3 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi. Ang Grand Marian Procession ay gaganapin sa ika-20 ng Oktubre matapos ang huling misa ng ala-singko ng hapon.